Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Mga Tulang Pambata Espadang Bali-bali Espadang bali-bali Nahulog sa pusali Kunin mo sandali Uupahan ng kahati Lagari Lagari! Lagari! Simbahan sa Paete ‘Pag hindi nayari Magagalit ang pari Sa batang bungi! Penpen de sarapen Penpen de sarapen De kutsilyo De almasen Bawbaw de kalabaw Batuten Sipit namimilipit Gintong pilak namumulaklak Sa tabi ng dagat Sayang pula, tatlong pera Sayang puti, tatlong salapi