Skip to main content

Talambuhay ni Lapu Lapu

Ang mga magulang ni Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala tungkol sa kapanganakan ni Lapu-lapu. SiLapu-lapu ay nagpakasal kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Si Lapu-lapu ay talagang may matigas na puso at matibay na paninindigan bilang isang pinuno ng Mactan. Isang patunay na rito ang pagtanggi niya sa mga magagandang alok ni Magellan. Ang pagbibigay ng magandang posisyon at pagkilala kay Lapu-lapu ang ilan lamang sa mga alok ni Magellan ngunit kapalit nito ay ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang masasakupan. Ngunit katulad ng aking nabanggit ito ay kanyang tinanggihan na siyang ikinagalit ni Magellan.I
sa sa mga  anak na lalaki ni Datu Zulu ay kaaway ni Lapu-lapu. Itong nakipagkasundo kay Magellan. Dito binuo nila ang paglusob sa bayan ng Mactan. Hatinggabi ng Abril 26 nang si Magellan kasama ang kaniyang mga kapanalig na higit pa sa isang libo ay naglayag upang sakupin ang Mactan. Si Lapu-lapu ay nakahanda rin sa paglusob ni Magellan, kasama rin ang 1500 na mga mandirigma. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Natalo ni Lapu-lapu siMagellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti at sa huli ay pinatay ni Lapu-lapu si Magellan.
Walang nakaaalam sa kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa mga dayuhan ay siyang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito nagtatapos ang talambuhay ni Lapu-lapu.

Comments

  1. Merkur 15c Safety Razor - Barber Pole - Deccasino
    Merkur 15C Safety Razor - https://deccasino.com/review/merit-casino/ Merkur - 15C for Barber Pole 스포츠 토토 사이트 is the titanium flat iron perfect introduction 바카라 사이트 to the ventureberg.com/ Merkur Safety Razor.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Tulang Pambata

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng  Mga Tulang Pambata Espadang Bali-bali Espadang bali-bali Nahulog sa pusali Kunin mo sandali Uupahan ng kahati Lagari Lagari! Lagari! Simbahan sa Paete ‘Pag hindi nayari Magagalit ang pari Sa batang bungi! Penpen de sarapen Penpen de sarapen De kutsilyo De almasen Bawbaw de kalabaw Batuten Sipit namimilipit Gintong pilak namumulaklak Sa tabi ng dagat Sayang pula, tatlong pera Sayang puti, tatlong salapi

Starting the Homeschooling Journey

Due to the pandemic (Covid 19) most parents opted to go to homeschooling, And we just decided that we will also move forward to go to homeschooling. At present we are not yet enrolled but we are checking the possibility of being enrolled in Home Global Middle east because we are in Saudi Arabia. Yes we are an OFW living in Saudi Arabia and will try out Home Schooling. May God Bless this new journey, which I will detail in this blog. God Bless us all